Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesMga malalapit kay Chiz Escudero, itinanggi na nakabuntis ng ibang babae ang...

Mga malalapit kay Chiz Escudero, itinanggi na nakabuntis ng ibang babae ang senador

Mismong ang mga malalapit na kay Senador Chiz Escudero ang pumalag sa kumakalat na balita na nakabuntis ng ibang babae ang politiko.

Matatandaan na ilang ulat ang kumakalat sa social media na nagkaroon ng relasyon ang senador sa kanyang executive assistant.

Ngunit ayon sa ulat ni Salve De Asis ay ibang senador ang nakabuntis ng ibang babae at hindi si Escudero.

Hindi naman ito pinangalanan ng mga taga senado ngunit kumpirmado daw ito.

Kahit ang mga inaabangan ng mga ‘Marites’ na sina Cristy Fermin ay sinabi na hindi maaring mangyari na magtaksil si Escudero sa kanyang asawa.

“Meron pong kumalat na balita na diumano, ito po yung mga kwentong kumakalat na iisa-isahin lang po namin, diumano’y may isang babaeng nagdadalang-tao ngayon dahil kay Sen. Chiz, na hindi natin pinaniniwalaan,” ani Cristy.

Ayon kay Fermin ay palaisipan parin kung ano nga ba talaga ang totoong lagay ng relasyon ni Escudero at Evangelista.

Hinihintay naman ng mga netizens kung magsasalita nga ba ang mag-asawa tungkol sa kalagayan ng kanilang relasyon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular