Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesMariel Rodriguez-Padilla, pumirma ng kontrata sa Villar-owned network 'AllTV': 'The easiest decision...

Mariel Rodriguez-Padilla, pumirma ng kontrata sa Villar-owned network ‘AllTV’: ‘The easiest decision I have ever made!’

Ibinunyag ng television host at actress na si Mariel Rodriguez-Padilla na parte na siya ng AllTV na pagmamay-ari ng bilyonaryo na si Manny Villar.

Nitong Septyembre 9 ay ibinahagi ni Mariel ang kanyang pagbabalik telebisyon sa ilalim ng nasabing istasyon.

Ayon sa kanya ay ang pagsali niya sa AllTV ang isa sa mga pinakamadaling desisyon niya sa buhay.

“The easiest decision I have ever made. I knew right away I wanted to be part of AllTV. Extremely grateful!!!! Thank you soo much AMBS for the trust.” ani Mariel.

Pinasalamat ni Mariel ang kanyang bagong boss na si Manny Villar at anak nito na si Rep. Camille Villar.

Hindi naman ito nakalimot na pasalamatan din ang kanyang manager na si King of Talk Boy Abunda.

“To my manager of almost 20 years Tito Boy maraming naraming salamat!!! To my husband, children and my whole family who have given me their blessings… thank you! So excited for the infinite possibilities we can do together!!!!” aniya.

Posibleng makasama ni Mariel sa isang programa ang kanyang kaibigan na si Toni Gonzaga na isa na ring miyembro ng All TV.

Sa isang Instagram post ay makikita na magkasama sa hapag-kainan si Mariel at Toni, kasama ang dalawang miyembro ng pamilya Villar.

Hindi pa malaman kung ano ang mga magiging show ni Mariel sa All TV.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular