Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesKapamilya party-list Jerry Grácio, sa gitna ng pagpanaw ni Queen Elizabeth: "Never...

Kapamilya party-list Jerry Grácio, sa gitna ng pagpanaw ni Queen Elizabeth: “Never trust the colonialist”

Sa gitna ng pagpanaw ni Queen Elizabeth II, nagbigay ng pahayag ang natalong Kapamilya party-list nominee na si Jerry Grácio sa gitna ng pakikidalamhati ng mga Pilipino sa mga Briton.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Grácio na hindi niya pagkakatiwalaan ang mga ‘colonialists’ katulad ng United Kingdom dahil sa ginawa nitong pagtataksil diumano kay Diego Silang.

“The British occupied Manila in 1762. They promised to help Ilocos’ Diego Silang in his fight against Spain. But they abandoned Diego when they withdrew from Manila in 1763.  Never trust the colonialists.” ani Grácio.

Umabot naman sa libo libong likes ang nasabing post ni Grácio.

Matatandaan na nakipag-alyansa noon si Silang sa mga Briton upang labanan ang mga Espanyol na sakop noon ang Pilipinas at maisakatuparan ang kanyang pangarap na buuin ang Ilocano nation.

Pinangakuan noon ng mga Briton si Silang ng military assistance ngunit hindi ito dumating.

Matapos itong pumanaw ay ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si Gabriela Silang ang pakikipaglaban nito sa mga Espanyol.

Parehas silang bigo na mapatalsik ang mga Espanyol sa kanilang lugar ngunit hindi naman nakalimutan ng mga Pilipino ang ginawang kabayanihan ng mag-asawa.

Samantala ay patuloy ang pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Queen Elizabeth na pinakamatagal na namuno sa United Kingdom.

Pumalit sa kanya ang kanyang anak na ngayon ay si King Charles III.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular