Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesAtty. Bruce Rivera, ipinakita sa publiko ilang buwan matapos ma-comatose

Atty. Bruce Rivera, ipinakita sa publiko ilang buwan matapos ma-comatose

Sa unang pagkakataon ay ipinakita sa publiko ng kanyang mga kaibigan si Atty. Bruce Rivera matapos itong ma-comatose noong Hulyo.

Sa kanyang post, ibinahagi ni MJ Quiambao Reyes ang maiksing video kung saan makikita na nakakakain na ng lollipop ang abogado.

Ipinadala diumano ni Vice President Sara Duterte ang mga nasabing lollipop para kay Rivera.

“Our dear friend Bruce V. Rivera is on her way to recovery. Thanks VP Inday for the lollipop* & flowers.

“We’re finally posting this short video to share with you our happiness and to extend our gratitude to those of you who helped us storm the heavens with prayers.

“On behalf of Bruce, her mommy Lorna, & her sister Elaine, thank you all for your prayers and well wishes.” ani Reyes sa kanyang post.

Ayon kay Reyes ay parte ng gag reflex exercise ang pagkain ni Rivera ng lollipop.

Matatandaan na noong Hulyo ay inanunsyo rin ni Reyes ang nangyari sa abogado na isinugod sa ospital dahil sa aneurysm.

Dumaan ito sa ilang operasyon na itinuring naman na tagumpay ng mga doktor.

READ MORE: DDS Blogger na si Atty. Bruce Rivera, kritikal ang kondisyon at comatose

“Finally and after 1 month in ICU, our dear friend Bruce will be transferred na from ICU to private room, Bruce is now responsive and in a more stable condition.” ani Reyes.

“Thank you, Lord, for the miracle. Indeed, what is impossible for men is possible with God.” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular