Friday, September 30, 2022
HomeCelebrities10 milyon ang pusta! Jerwin Gaco, lalabanan si Rendon Labador sa 1-on-1...

10 milyon ang pusta! Jerwin Gaco, lalabanan si Rendon Labador sa 1-on-1 basketball

Handang pumusta ng 10,000,000 piso ang grupong PBA Motoclub para sa kanilang pambato na si dating PBA player at Davao Occidental Tigers na si Jerwin Gaco.

Ito’y matapos hamunin ni Gaco ang motivational speaker na si Rendon Labador ng one-on-one basketball na matatandaang binabatikos ngayon ang ilang PBA player.

Sa kanyang video, sinabi ni Gaco na hindi naman kakayanin ni Labador ang mga hinahamon niyang mga player katulad ni Marc Pingris.

“Gusto mo sakin ka nalang lumaban medyo match pa tayo, hindi ako kalakihan, match na match tayo pare,” ani Gaco.

“Lalabanan kita kahit saan, ako nalang labanan mo walang problema sakin, magbakasan tayo ng mukha doon, magbangaan tayo walang problema sakin,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung kakasa ba si Labador sa hamon ni Gaco at sa laki ng pusta na 10-M piso.

Matatandaan na isa si Gaco sa mga pinakasikat na player noon sa PBA kung saan ay nabuo pa ang kanyang fans club na ‘Gaconatics’.

Samantala ay ang grupo naman nila dating PBA player Rico Maierhofer ang nag-ambagan para maipon ang 10 milyong piso na pusta nila para kay Gaco.

Naniniwala naman si Maierhofer na mas malakas ang tsansa ni Labador na manalo kay Gaco kaysa kay Pingris kaya’t hindi niya maisip kung bakit tatanggihan ng motivational spaker ang kanilang hamon.

Ayon din kay Maierhofer ay ‘unfair’ sa kanilang mga nasa basketball community kung si Pingris ang ilalaban nila kay Labador.

“Mismatch, sure ako. Si Pingris ay nasa level ng best of the best dito sa Pilipinas, ikaw gusto mo ng challenge, pero pag basketball sayang ‘yung magiging value,” sabi ni Maierhofer.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular