Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaSen. Bato Dela Rosa, gigil na sa mga nangyayari: "Mga pesteng kidnappers...

Sen. Bato Dela Rosa, gigil na sa mga nangyayari: “Mga pesteng kidnappers kayo!”

Idinaan na lamang sa firing ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang pagka-inis sa mga nangyayaring pandurukot sa bansa.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Dela Rosa ang paggamit niya sa armas na gawa ng Ferfrans na nakabase ngayon sa Cebu.

“Pesteng mga kidnappers kayo!!! Baka gusto ninyong matikman itong Ferfrans made in Cebu.” ani Dela Rosa.

Matatandaan na hinimok ni Dela Rosa ang Philippine National Police (PNP) na kanyang pinamunuan noon na mas lalo pang paigtingin ang paglaban sa mga nagbabalak ng masasama sa mga inosenteng sibilyan.

“Agresibo upak nang upak hindi yung mag-antay sila na sila ang upakan o yung mga sibilyan ang upakan. Upakan na nila yung mga kriminal, yung mga sindikato na yan. Meron naman silang intelligence about that,” ani Dela Rosa.

“Upakan nyo, PNP, wag kayo na mag hintay na makapanakot ng tao itong mga kriminal na ito,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay tila walang gana ngayon ang kapulisan sa kanilang trabaho.

“You want to put it bluntly?  Kulang sa asim. Kulang sa arrive yung  kapulisan sa ngayon. Para bang kung talagang may arrive e dapat takot ang kriminal,” sabi pa ng senador.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang PNP sa panenermon sa kanila ni Dela Rosa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular