Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesRenato Reyes pumalag sa pagdedeklara ng holiday para sa kaarawan ni Ferdinand...

Renato Reyes pumalag sa pagdedeklara ng holiday para sa kaarawan ni Ferdinand Marcos Sr: “This dishonors all the victims of Martial Law!”

Pumalag si Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) secretary-general Renato Reyes sa deklarasyon ng Malacañang Palace na gawing special non-working holiday ang kaarawan ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos sa Ilocos Norte.

Gaganapin ang holiday sa Septyembre 12.

Sa kanyang post, sinabi ni Reyes na hindi pagpapakita ng respeto sa mga naging biktima ng Martial Law ang ginawang holiday sa Ilocos Norte.

Paniwala ng aktibista ay hakbang ito para pabanguhin muli ang pangalan ni Marcos Sr. at burahin ang mga diumano’y nagawa nitong kasalanan sa kasaysayan.

“There should be no special holiday for a dictator, even if it is only for his home province. This dishonors all the victims of Martial Law and goes against the spirit of the Martial Law victims compensation law.” ani Reyes.

“This is another step towards rehabilitation of the dictator, a means to glorify him and erase his crimes from our history books.” dagdag niya pa.

Sinabi pa nito na Pilipinas lamang ang bansa na maaring ipinagdiriwang pa ang kaarawan ng isang diktador at magnanakaw.

Ang mas mainam diumano ay alalahanin ng publiko ang 50th anniversary ng pagdedeklara ng martial law ni Marcos Sr.

“We should never forget this dark chapter in our history and government should not honor the person responsible for many of these crimes.” sabi pa ng beteranong rallyista.

Wala pang komento ang Malacañang sa pahayag ni Reyes na kilalang kritiko ng mga Marcos.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular