Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaIna ni Mary Jane Veloso, binatikos ng ilang tagasuporta ni PNoy: "Ni...

Ina ni Mary Jane Veloso, binatikos ng ilang tagasuporta ni PNoy: “Ni minsan hindi ka nagpasalamat!”

Inulan ng batikos ang ina ni Mary Jane Veloso na si Celia Veloso matapos nitong maglabas ng pahayag na tila patama sa mga nakaraang administrasyon.

Sa pahayag kay Mrs. Veloso, sinabi nito na todo ang pasasalamat niya sa kasalukuyang administrasyon dahil sa humingi sila ng executive clemency para sa kanyang anak.

Ayon kasi kay Mrs. Veloso ay ngayon lang diumano gumawa ng aksyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa kaso ng kanyang anak.

“Masaya po dahil sa tagal ng panahon ngayon ko lang po nalaman na umaksyon po ang DFA. Eh kahit hindi po ang Pangulo natin mismo ang [nanghingi] ng clemency ni Mary Jane, nagpapasalamat po ako,” sabi ng ginang.

Ilang netizens naman na sumuporta kay yumaong dating pangulong Noynoy Aquino ang hindi ikinatuwa ang pahayag ni Mrs. Veloso at tinawag itong ‘ingrato’.

“Nanay, binastos mo si PNoy at ni minsan hindi ka nagpasalamat sa pagsagip sa buhay ni Mary Jane. Kinampanya mo pa si Du30 na gusto pala ipabitay si Mary Janel. Kung ako syo dapat linyo mo ” Bakit si PNOy nasagip si Mary Jane si BBM hindi?” Yan aaksyon si BBM mo. Ingrato!” ani @SaltAndReality.

“Naubos na amor at awa ko sa pamilyang yan. sorry pero typical ugali yan mga tao lalo sa ganyan estado, un mga walang utang na loob at di nakokontento haaaaay,” sabi ni @cozexoislife.

Nagbigay din ng pahayag ang dating tagapagsalita ni Aquino na si Abigail Valte tungkol sa pahayag ni Mrs. Veloso.

“Doubtful that PNoy expected gratitude in return, but most certainly not lies. He broke protocol to get that reprieve for Mary Jane Veloso. Ask the Indonesian government,” sabi ni Valte.

Matatandaan na noong 2015 ay diumano’y isinalba ni Aquino si Veloso sa pamamagitan ng pagkausap sa foreign minister ng Indonesia.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular