Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesGuro maaring masuspinde matapos gupitan ang buhok ng kanyang estudyante

Guro maaring masuspinde matapos gupitan ang buhok ng kanyang estudyante

Posibleng maparusahan ang isang guro matapos mag-viral sa social media ang kanyang pangugupit ng buhok sa isa sa kanyang mga estudyante.

Ibinahagi ni Miss Trans Global 2020 Mela Franco Habijan ang nasabing screencap ng video kung saan makikita ang ginagawa ng guro bilang parusa sa kanyang estudyante na mahaba ang buhok.

Itinanong ni Habijan sa isang kaibigan nila na nagtatrabaho sa Department of Education (DepEd) kung nilabag nga ba ng guro ang isa sa kanilang mga polisiya na Child Protection Policy.

Ang sagot naman ng kakilala nila sa DepEd ay maaring lumabag nga ang nasabing guro sa nasabing polisiya.

Mela Franco Habijan

“Granting that this was done as a punishment, its considered a violation po of the CPP. Parang naoverstep na ng teacher ung bounds of decency and subjecting the learner to ridicule. It may be both considered as physical and psychological abuse po.” sabi ng isa sa mga kakilala nilang taga DepEd.

Ang Child Protection Policy ay naglalayon na itigil na ang mga malulupit na kaparusahan na ginagawa ng mga guro sa mga estudyante.

Ilan na dito ang pamamalo at pamamahiya sa kanilang mga estudyante kung may ginawa itong kamalian.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) na inilalabas sa publiko.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa naging post ni Habijan.

“Masyado nyong nashelter ang mga bata kaya easy easy lang… Ako kung anak ko yan… Ok lang.. need sumunod sa school rules.. kaloka..” ani @pheggysue.

“Ako ba kasi talaga ang kinalaman ng buhok sa pag-aaral!? yes i know na, as students it teaches to follow even simple rules. pero if it affects the child’s confidence, pa’no sila makakapag-aral ng maayos? as long as hindi naman sobrang haba ng buhok na hanggang leeg na,” wika naman ni @jakebla94589781.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular