Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaEx-President Duterte, hinahanap-hanap parin ang public service: "Bored talaga siya"

Ex-President Duterte, hinahanap-hanap parin ang public service: “Bored talaga siya”

Ibinahagi ni Sen. Christopher “Bong” Go kung kamusta na nga ba ang retirement ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam sa kanya ng media, sinabi ni Go na hanggang ngayon ay hinahap parin ni Duterte ang kanyang trabaho bilang isang public servant.

“Ok naman po siya. He is enjoying his retirement, at the same time, bored talaga,” ani Go.

“‘Pag ikaw, nasanay ‘yung katawan mo sa pagtatrabaho, hahanapin at hahanapin mo talaga ang pagseserbisyo mo sa kapwa.

“I’m not saying he’s totally okay dahil nasanay po siya sa pagtatrabaho sa nakaraang 36 years. Araw-araw puro trabaho ‘yun tapos ngayon, gumising po siya na isa na po siyang private citizen,” dagdag pa niya.

Hindi naman binanggit ni Go kung may balak pa bang bumalik sa politika si Duterte.

Matatandaan na nangako ang dating pangulo sa kanynag partido na PDP-Laban na ikakampanya niya ang mga ito sa susunod na halalan.

Isa pa sa mga plano ng dating pangulo ay ang bumalik sa pagtuturo at ang magtrabaho sa opisina ni Sen. Go.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular