Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDating kasamahan ni Loren Legarda sa ABS-CBN duda na noon pa na...

Dating kasamahan ni Loren Legarda sa ABS-CBN duda na noon pa na makakaliwa ito: “

Noon pa lamang ay duda na ang dating mamamahayag ng ABS-CBN na si Jay Sonza sa kung ano nga ba talaga ang paniniwala ng dati niyang kasamahan sa network na si Loren Legarda.

Matatandaan na si Legarda ay naging mamamahayag sa ABS-CBN bago ito pumasok sa politika.

Sa kanyang video, sinabi ni Sonza na hindi man siya makapaniwala noon ay hindi parin natigil ang pagdududa niya kay Legarda dahil sa diumano’y pagiging dikit nito noon pa man sa mga makakaliwang grupo.

Ayon sa kanya ay ngayon niya lamang naisip kung bakit si Legarda ang laging pinapatawag ng mga makakaliwang grupo kapag may papalayain sila na mga dinakip na pulis at sundalo o may kailangan silang sabihin sa taumbayan.

“Kaya pala nagtataka ako, bakit laging may exclusive si Loren kapag ini-interview niya eh ‘yung mga spokesman ng CPP-NPA,” sabi ni Sonza.

Maari rin daw na hanggang ngayon ay konektado parin ang senadora sa nasabing grupo.

Sana lang daw ay noon pa napagtanto ni Sonza ang koneksyon ni Legarda sa makakaliwang grupo.

“Anak ng tokwa, sa talino kong to hindi ko nakita to noon,” sabi pa ng mamamahayag.

Naniniwala si Sonza na nalinlang ni Legarda ang mga bumoto sa kanya matapos ang kanyang pag-amin.

“It appears na para tayong na-budol, parang na-budol ‘yung mga bumoto kay Loren Legarda bilang senador,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Legarda sa sinabi sa kanya ni Sonza.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular