Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesDarryl Yap, ipinaalala sa netizens na miyembro ng LGBT community: "Bading ako"

Darryl Yap, ipinaalala sa netizens na miyembro ng LGBT community: “Bading ako”

Tinuldukan na ni Maid in Malacañang Director Darryl Yap ang mga akusasyon laban sa kanya ng mga kritiko niya.

Matatandaan na mabibigat ang mga akusasyon na binitiwan ng ilang netizens laban kay Darryl Yap kung saan ay tinawag siya na nananamantala ng mga underage na babae.

Upang matapos ang ang pambabatikos sa kanya ipinaalala niya sa mga kritiko niya na isa siyang ‘gay’ at hindi papatol sa babae.

“Drama nyo; ni hindi nyo nga alam na bading ako, hahaha!” sabi ni Yap.

Larawan mula kay Darryl Yap/FB

Sa ngayon ay usap-usapan parin si Yap dahil sa patuloy na pagtaas ng kinita ng kanyang pelikula na ngayon ay nasa ikatlo ng pwesto sa pinakamalaki ang kinita sa takilya na Filipino movie.

May ilan naman na nabigla sa naging rebelasyon ni Yap.

“Ako Direk, di ko alam na gay ka cute mo Kase at matapang kang sumagot, may prinsipyo, at magaling kang sumagot sa binabato sayong kasiraan, tapos yung reply mo sa kanila realtalk lang. Yung wala lang sayo, tapos naka smile ka pa pag iniinterview Yung Hindi ka apektado, yun siguro Yung nakakaasar sa kabilang parlor tapos itsura mo Mukha kang bata sa edad mo at Yung pelikula mo buti naipalabas Kase Ang alam ko pag about sa Marcos Family, Hindi naipapalabas. Ang astig ng style mo sa Pelikula Hindi pangkaraniwan,” sabi ni Marcus Bermudez.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular