Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDahilan kung bakit naghiwalay si Heart Evangelista at Jericho Rosales, naging usapan...

Dahilan kung bakit naghiwalay si Heart Evangelista at Jericho Rosales, naging usapan muli

Pinag-usapan muli ng ilang netizens sa social media ang naging dahilan ng hiwalayan ni Heart Evangelista at Jericho Rosales.

Ito’y sa gitna ng diumano’y hiwalay sa pagitan ni Heart at ng kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero.

Isa na yata ang relasyon ni Heart at Jericho sa mga pinakasinubaybayang love story ng mga netizens noon pa man.

Ngunit hindi naging maganda ang katapusan ng kanilang relasyon na natuldukan noong 2008.

Sa panayam kay Heart noong 2013 ng Yes Magazine, ibinahagi niya na ang may kasalanan sa hiwalayan nila ni Jericho ay ang kanyang mga magulang.

Ayon kasi sa kanya ay pinaniwala siya ng mga magulang niya na may relasyon si Jericho sa Malaysian actress na si Carmen Soo.

Noon pa man daw ay kontra na talaga ang kanyang magulang sa relasyon niya kay Jericho at umabot pa nga sa punto na hindi siya nakipagkita sa kanila ng tatlong taon.

Ngunit nag desisyon naman siyang makipag-ayos na at doon na siya sinabihan ng mga magulang niya na mayroong ibang karelasyon si Jericho.

“When they said that he was cheating on me with Carmen Soo, I really did think that he was. I really thought that he cheated on me. I really did. And that was because they told me that he was and I was convinced,” sabi ng aktres.

Sinubukan diumanong ipaliwanag ni Jericho ang kanyang panig ngunit hinarang siya ng ina ni Heart ng limang oras.

“My mom didn’t tell me that he was waiting for me downstairs in my condo for five hours. She didn’t say anything so I didn’t hear from him, kwento ng aktres.

Nalaman niya rin kalaunan na hindi naman pala totoo na niloko siya ng kanyang ex-boyfriend.

“Of course they are your parents—when they tell you something over and over, you start to have fears. You start to doubt certain situations. And that’s what happened to me before,”

Isa diumano sa mga dahilan kung bakit ayaw ng mga magulang ni Heart kay Jericho ay dahil sa mayroon na itong anak sa nakaraan niyang relasyon.

Ganito rin ang karanasan ni Heart noong naging magkarelasyon sila ni Sen. Escudero.

Hindi nga dumalo ang mga magulang ni Heart sa kasal nila ng senador.

Ngunit matapos ang ilang taon ay naging maganda rin ang relasyon sa pagitan ni Escudero at ng mga magulang ni Heart.

Ngayon ay isa ang mga magulang ni Heart sa mga nag-aalala tungkol sa kung ano na ba talaga ang lagay ng relasyon ng kanilang anak at ni Escudero.

“It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK! I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.” sabi ni Cecilia Ongpauco, ina ni Heart.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular