Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesCristy Fermin, sinabing 'walang utang na loob' si Hipon Girl dahil hindi...

Cristy Fermin, sinabing ‘walang utang na loob’ si Hipon Girl dahil hindi ito pumirma ng kontrata kay Willie Revillame sa All TV

Nababalot ngayon ng kontrobersiya si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang ‘Hipon Girl’ matapos diumano nitong piliin na pumirma ng kontrata sa GMA-7 imbis na sa All TV.

Sa kanyang programa, sinabi ni Cristy Fermin na tila ‘walang utang na loob’ si Hipon dahil sa mas pinili nito na hindi samahan si Willie Revillame na siyang naging dahilan ng kanyang pagsikat sa bago nitong network na All TV.

“Anong nangyari kay Hipon Girl? Anong nangyari? Nakipag-meeting kay Willie Revillame para sa All TV sa AMBS 2 tapos kinabukasan, pumirma sa GMA 7?” pagtataka ni Fermin.

“Ano ‘to, nagpapataas ng presyo? Nagpapataas ng presyo na kunwari, ‘Nanggaling po ako e, sa All TV, sa AMBS 2, ito po ang offer nila sa akin.’ Parang ganu’n? Diba kasama niya ‘yung manager niya na si Wilbert Tolentino?”  dagdag niya pa.

“Ano ang naiwan ngayon sa isip ng marami? ‘Walang utang na loob itong si Hipon Girl.’ Diba?” sabi pa nito.

Ipinaalala din nila na binigyan ng pagkakataon ni Willie si Hipon na maging co-host ng kanyang programa kahit na isa lamang itong contestant.

Sana man lang daw ay inamin na lamang ng harap-harapan ni Hipon kay Willie na hindi siya nito sasamahan sa All TV.

“Sana man lang diniretso na niya si Willie na, ‘Kuya, gustuhin ko man pero may commitment na ako sa GMA. Bibigyan daw ako du’n ng serye na ako ang bida.’ Maiintindihan naman ‘yon ni Willie diba? Pero ‘yung kinabukasan, malalaman mo na lang, at sa social media pa, na pumirma ka pala,” wika ni Fermin.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Hipon sa mga banat sa kanya ng kolumnista.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular