Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesbroadcaster Mike Abe, balik telebisyon na matapos mag-walk out sa SMNI

broadcaster Mike Abe, balik telebisyon na matapos mag-walk out sa SMNI

Matapos ang ilang linggong pamamahinga ay nagbalik na sa telebisyon at radyo ang broadcaster na si Mike Abe.

Ito’y matapos siyang mag-walkout sa kanyang programa sa SMNI habang siya ay nakikipagtalo kay Pastor Apollo Quiboloy na may-ari ng nasabing istasyon.

Sa ngayon ay parte na ng state-owned media na PTV si Abe na kilalang tagasuporta ni Marcos.

Ayon kay Abe ay maraming dapat abangan sa kanyang magiging programa sa PTV.

“Kaya yung sinasabi ko na maraming pasaway ay sasawayin natin at ating ipapaliwanag kung bakit sila pasaway,” ani Abe.

“In other words, gusto kong tumulong sa Marcos administration, ihahayag natin ‘yung mga totoong nangyayari,” dagdag niya pa.

 

Matatandaan na nag-viral sa social media si Abe dahil sa kanyang pag-alis sa gitna ng programa nila sa SMNI.

“Maraming salamat sa mga sinabi mo, ako po ay 15 years na dito sa SMNI ako po ay nagpapasalamat sa pagkakataon at tiwala na ipinagkaloob niyo sa akin,” ani Abe.

READ MORE: Mike Abe ng SMNI, nag-walkout ng live matapos hindi magustuhan ang sinabi ni Pastor Apollo Quiboloy

“Ito po ay aking ipagpapasalamat habambuhay na akin pong pinasasalamatan ‘yan pero dahil diyan, pasensya ka na pero ito na ang aking last day sa SMNI. Maraming maraming salamat po,” dagdag niya pa.

“Marami pong salamat, ba-bye po,” 

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Quiboloy sa paglipat ng kanyang isa sa mga pinakamatagal ng talent sa SMNI.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular