Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesBato Dela Rosa sa kaliwa't kanang krimen: "Feeling invincible again sila with...

Bato Dela Rosa sa kaliwa’t kanang krimen: “Feeling invincible again sila with the exit of President Duterte”

Hindi ikinatuwa ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang nangyayaring kaliwa’t kanan na pandurukot sa iba’t ibang bahagi ngayon ng bansa.

Sa isang press conference, sinabi ni Dela Rosa na tumataas na muli ang kriminalidad sa bansa dahil sa pag-alis ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kasi sa kanya ay maaring napagtanto ng mga masasamang tao na maari na nilang ipagpatuloy ang kanilang iligal na gawain.

“Feeling invincible again sila with the exit of President (Rodrigo) Duterte from Malacañang … They are testing the waters. Pwede pala … Pwede. Again, tira tayo … Walang problema. Tira na naman. Hanggang sa aabot ang punto na hindi na mako-control natin ang peace and order situation, which I hope will not happen,” ani Dela Rosa.

Sa ngayon ay balak imbestigahan ni Dela Rosa sa kanyang komite ang mga nangyayari ngayon.

“Kulang sa asim. Kulang sa arrive ang kapulisan ngayon,” sabi ni Dela Rosa na dating PNP chief.

Naniniwala si Dela Rosa na dapat ay ipakita ng PNP na dapat silang katakutan ng mga masasamang tao.

“Kasi kung hindi mo sila takutin, tayo ang tatakutin niyong mga g*g* na ito. Kaya tama lang na dapat unahan natin sila, takutin natin sila para hindi na gagawa ng katarant*duhan,” sabi pa ng senador.

Sa ngayon ay walang komento si dating pangulong Duterte sa kasalukuyang lagay ng peace and order sa bansa.

Matatandaan na kaliwa’t kanan ang pagkawala ng ilang mga indibidwal ngayon katulad ni Jovelyn Galleno na taga Palawan.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular