Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaAgriculture Undersecretary Domingo Panganiban sinisi ang mga magsasaka sa 'oversupply' ng bawang...

Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sinisi ang mga magsasaka sa ‘oversupply’ ng bawang at repolyo

Sinisi ng Department of Agriculture Undersecretary na si Domingo Panganiban ang mga magsasaka sa gitna ng oversupply ng bawang at repolyo sa merkado.

Sa panayam sa kanya sa radyo, sinabi ni Panganiban na hindi man lang nag-iisip ang mga magsasaka kung maibebenta ba nila ang pananim nila.

“It has been happening for the last four or five years. Ang una wala tayong value chain na activity na nangyayari after harvest eh. Ang mga magsasaka natin kapag umani ng gulay, pinagbibili lang nila sa kanilang local market. Walang mamimili sa kanila pagdating sa Manila or dalhin sa Pangasinan o dalhin sa Quezon City o kahit saan dito sa Kalakhang Maynila,” sabi ng opisyal.

Ganito rin diumano ang nangyayari ngayon sa Batanes at Benguet kung saan ay hindi man lang iniisip ng mga magsasaka kung maibebenta ba nila ang pananim nila.

Ayon naman kay Domingo ay may naisip na silang paraan kung paano masosolusyunan ang mga nangyayaring oversupply ng mga gulay sa merkado.

Isa na dito ay ang pagbibigay nila ng alternatibong pananim sa mga magsasaka na maari nilang maibenta kagad.

“What we’re going to do is give them a product that will substitute for the crop they are planting for this season so they are not at the mercy of middlemen,” sabi niya.

Matatandaan na sinabi noong nakaraang buwan ng DA na kinakailangan ng bansa na mag-import ng bawang sa ibang bansa katulad ng China upang masolusyunan ang ‘shortage’.

Samantala ay sinabi naman ni Batanes Governor Marilou Cayco na kaunti lamang ang binili ng DA Region 2 na bawang sa kanila kaya nagkaroon sila ng oversupply.

“Kaya po nagkaganoon dahil dati binibili ng Department of Agriculture sa Region 2 at ito ay pinapamahagi sa mga farmers para ho pananim po nila. Pero ngayong taon kumunti ang kanilang binili,” ani Cayco.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular