Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesSass Sasot, may patama kay Juday: Nagreklamo sa presyo ng onion pero...

Sass Sasot, may patama kay Juday: Nagreklamo sa presyo ng onion pero gumastos ng 50k sa online shopping!

May patama ang international relations expert na si Sass Rogando Sasot sa aktres na si Judy Ann Santos.

Matatandaan na nag-viral si Juday sa social media dahil sa kanyang komento tungkol sa paglobo ng presyo ng puting sibuyas sa merkado.

Ayon kasi sa kanya ay umabot na ng P550 kada kilo ang bili niya sa nasabing puting sibuyas.

Larawan mula kay @officialjuday/Instagram

“Dati kelangan ka munang hiwain bago maluha. Ngayon, naiisip pa lang kita, naiiyak na ko sa presyo mo!” sabi ni Juday.

READ MORE: Judy Ann Santos, ‘naiyak’ sa presyo ng sibuyas: “Naiisip pa lang kita, naiiyak na ko sa presyo mo!” 

Ilang linggo matapos ang post ng aktres ay kinamusta ito ni Sasot.

“Kamusta po ang mga nagreklamo dahil ang mahal ng white onion, pero “accidentally” nakapag-online shopping ng worth 5OK,” tanong niya.

Tila ang binabanggit ni Sasot ay ang pag amin ni Juday na may punto na umabot sa P50,000 ang kanyang nagastos sa isang online shop.

Ayon kasi sa kanya ay hindi niya tinignan ng mabuti ang dami ng kanyang mga inorder.

“Pindot ako ng pindot nang ganun, nagulat ako parang umabot na ng 50 yung bill ko!” kwento ng aktres.

May mensahe naman si Sasot sa mga taga-Metro Manila na sana’y tanggapin na lamang nila na hindi Agricultural Area ang kapital ng bansa para magmura ang mga gulay at prutas.

“Metro Manila does NOT produce its agricultural products. So what do people from Manila expect? Mag-alsa buong bansa for them becausen they are suffering something related to their geographical feature? An area that doesn’t produce their own food supply will inevitably be at the mercy of price fluctuations.” ani Sasot.

Sinabi pa nito na hindi problema ng buong bansa kung magmahal man sa Metro Manila ang puting sibuyas.

Hindi naman malaman kung magbibigay pa ba ng tugon ang aktres sa mga komento sa kanya ng mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular