Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesReserve Officer Legion of the Philippines, hindi na kikilalanin na miyembro si...

Reserve Officer Legion of the Philippines, hindi na kikilalanin na miyembro si Loren Legarda

Itinakwil ng Reserve Office Legion of the Philippines si Sen. Loren Legarda matapos ang pagpapakita nito diumano ng suporta sa CPP-NPA-NDF.

Sa isang pahayag, hinimok ni BGen Leoncio A Cirunay Jr (RET) na pangulo ng nasabing grupo na tanggalin na bilang reservist si Legarda na mayroong ranggo na colonel sa Philippine Air Force (PAF) reserve.

Nanawagan ito sa Department of National Defense na sana’y bigyan nila ng leksyon si Legarda sa mga pahayag nito.

Larawa mula sa website ni Sen. Loren Legarda

Ayon kasi kay Cirunay ay hindi na kapareho ng paniniwala ng AFP ang ginagawang mga pahayag ni Legarda kung saan ay sinabi nito na hindi kaaway ng estado ang CPP-NPA-NDF.

Ibinoto din nila noon si Legarda dahil naniniwala sila na kakampi nila ito lalo na’t isang reservist ang senadora.

“Labis kaming nalulungkot at dinaya sa pahayag ni Sen Legarda na siya ay nagtatrabaho sa NDF. Hindi namin kayang hindi kondenahin ang kanyang pronouncement. Siya ay miyembro ng Reservist corps na may ranggong full-pledge Colonel!” ani Cirunay.

Nanawagan din ito sa lahat ng miyembro ng Reserve Office Legion of the Philippines na huwag ng kilalanin si Legarda bilang kanilang miyembro.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Legarda sa pambabatikos na natanggap niya mula sa group.

Matatandaan na itinanggi ni Legarda na hindi niya kinakampihan ang NPA ngunit pabor siya sa peace talks sa pagitan ng grupo at ng gobyerno.

Ito’y kahit na matatandaan na ilang beses nagkaroon ng pananambang ang NPA sa gitna ng peace talks na naging dahilan ng pagkawala ng ilang sundalo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular