Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesOgie Diaz may payo sa pagtaas ng bilihin: "Wag natin iasa sa...

Ogie Diaz may payo sa pagtaas ng bilihin: “Wag natin iasa sa gobyerno ang ating pamumuha

Isa ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa mga nagbigay ng kanyang reaksyon tungkol sa patuloy na pagtaas ng bilihin o ‘yung tinatawag na ‘inflation’.

Marami na kasi ang nag-aalala na maaring mahirapan silang makabili ng mga kinakailangan nila ngayong parating na ang Disyembre kung kailan ipinagdiriwang ang Pasko at Bagong Taon.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Diaz na kahit siya ay hindi maiwasan na mapaisip at mabahala sa patuloy na pagtaas ng bilihin.

“Syempre tayo po ay patuloy pa rin sa pagdarasal at pagtitipid at the same time dahil pamahal po nang pamahal ang bilihin ganitong papalapit na ang pasko. Hindi na po natin maaawat ‘yan no? Nakakaloka ng taon.” ani Ogie.

Mayroon namang payo si Diaz sa kanyang co-host sa vlog na si Mama Loi na kailangan na maging mahigpit sila ng sinturon habang papalapit na ang Disyembre.

Nagpayo rin ito na sana’y huwag iasa ng mga netizens sa gobyerno ang paglutas sa kanilang mga problema.

’Wag natin iasa sa ibang tao, o sa gobyerno ang ating pamumuhay. Kilos-kilos pa rin tayo.” sabi ng talent manager.

Nagbabala na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga mamimili na hindi maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga susunod na buwan.

Nagpayo naman ang ilang eksperto na kailangan na magbawas bawas muna ng gastos ang mga mamimili, matutong mag-save at mag-invest.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular