Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaMasustansyang tinapay na 'Nutribun', magiging parte ng feeding program sa mga pampublikong...

Masustansyang tinapay na ‘Nutribun’, magiging parte ng feeding program sa mga pampublikong eskwelahan

Magbabalik na sa mga pampublikong eskwelahan ang masustansyang tinapay na kung tawagin ay ‘nutribun’.

Ibinahagi ni Dr. Imelda Agdeppa ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na kasama sa feeding program ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng Enhanced Nutribun sa mga estudyante.

“The nutribun will be distributed to the school kids nationwide on a two to three times week frequency. That is actually our agreement during our workshop for the development of the guidelines,” ayon kay Agdeppa.

Ang Enhanced Nutribun ay may sangkap na gawa sa kalabasa, carrots o kamote kaya naman hindi maikakaila na magbibigay ito ng sustansya sa mga estudyante.

Ayon sa DOST ay ang isang 165 gramo na E-Nutribun ay naglalaman ng 502 calories, 17g protein, 6mg iron at 384 mcg Vitamin A na 98% ng recommended dietary intake.

Nagbigay na sila ng lisensya sa daan-daang bakery upang makapag-produce sila ng E-Nutribun.

Matatandaan na sumikat ang Nutribun sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na ama ng kasalukuyang Pangulo na si Bongbong Marcos Jr.

Parte ito ng United States Agency for International Development (USAID) na inumpisahan noong 1972.

Samantala ay ikinatuwa naman ng ilang magulang ang proyekto ng DOST at DepEd.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular