Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesManny Piñol sinabi na hindi naman lubos na masama ang pagbaba ng...

Manny Piñol sinabi na hindi naman lubos na masama ang pagbaba ng piso laban sa dolyar

Naniniwala ang dating Agriculture Secretary na si Manny Piñol na hindi naman lahat ng epekto ng pagbaba ng piso laban sa dolyar ay masama.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Piñol na mayroong mga nagbukas na oportunidad sa gitna ng pagbaba ng halaga ng piso.

Pabor din diumano sa mga OFW at sa mga local food producers ang nangyayari ngayon sa piso.

“P57 To $1 Is Not Entirely Bad. It’s Good For Our OFWs & Local Food Producers. This Crisis Could Open Opportunities!” ani Piñol.

Ayon sa dating DA secretary ay kailangan lamang ng bansa na hindi umasa sa mga imported goods at mas palakasin ang local production.

“We are facing a crisis. that’s a given and undeniable fact. so how do we handle it? rant? sulk? despair? talo tayo kung ganyan ang mindset natin. we have to explore opportunities to cushion or counter the adverse effect. boosting local production and exports while lessening our dependence on importation are our options and opportunities. that’s Crisis Management.” sabi pa niya.

Hati naman ang reaksyon ng netizens sa sinabing ito ni Piñol.

“Export to import ratio is 5:1, so definitely bad even for OFWs sending money to PH since inflation rate for basic goods outweighs the increase in dollar to peso exhange. Local production is not supported even in your time up to this admin. So meh.” sabi ni netizen Aga Roxas.

“Sir manny deppreciation of peso would trigger.a high inflatiion rate,we are a imported.dependent country we import almost all of our needs….and take note that we will need more dollar that will means our dollar reserve will be shortened.our dollar inputs only coming from ofw and sone exporting goods! Sir manny we imports so much than we exports,” wika ni Johnny Legaspi.

“Kaya nga sabi ko may oppprtunities. puersado tayo ngayon to be less import dependent.” sagot naman ni Piñol.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular