Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesKris Aquino, nagbigay ng update sa gamutan niya: It will make me...

Kris Aquino, nagbigay ng update sa gamutan niya: It will make me lose my hair

Matapos ang ilang linggong pananahimik sa social media ay nagbigay ng kanyang update si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan.

Sa kanyang Instagram post nitong Septyembre 7 ay ibinahagi ni Kris ang kanyang larawan kasama ang mga anak na sina Bimby at Josh.

Ayon sa kanya ay ilang beses niya ng naisipan na sumuko ngunit mas nanaig ang kanyang pakikipaglaban para sa mga anak niya, kaibigan at mga fans.

Nakakaranas din diumano siya ng sakit sa iba’t ibang parte ng katawan dahil sa kanyang karamdaman.

Hindi narin ito nakakakain ng solid food.

“I remind myself that they still need me & mahiya naman ako sa mga nagdadasal para na gumanda ang kalusugan ko if I just give up,” ani Kris.

Sa ngayon ay dadaan si Kris sa isang immunorepresant theraphy kung saan ay maaring mawalan siya ng buhok.

Babalik naman daw muli ang buhok niya ngunit ang mga organs na matatamaan kung hindi siya magpapagamot ay hindi na babalik sa normal.”I

“I was warned that the safest form of immunotheraphy therapy that can be used to my autoimmune conditions will make me lose my hair,” ani Kris.

“Hair will eventually go back but permanently damaged organs won’t-so dedma muna sa vanity,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay tinitignan ng mga doktor kung mayroon na muli siyang autoimmune condition na maaring panglima niya na.

Inulan naman ng suporta sa social media si Kris.

 

Sa ngayon ay malabo pa kung makakauwi sa bansa ang tv host.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular