Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaJose Antonio Sanvincente nag 'plead not guilty' sa pang-aararo sa isang security...

Jose Antonio Sanvincente nag ‘plead not guilty’ sa pang-aararo sa isang security guard

Nag-plead not guilty sa korte ang suspek sa hit-and-run ng isang security guard sa Mandaluyong nitong Hulyo sa kasong frustrated homicide na kanyang kinakaharap.

Ito ang sinabi ng abogado ni Jose Antonio Sanvicente na si Atty. Danny Macalino na humarap nitong Septyembre 7 sa Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 213.

Ang ibig sabihin nito ay hindi naniniwala si Sanvincente na inilagay niya sa alanganin ang buhay ng security guard na si Christian Floralde.

Jose Antonio Sanvincente (kaliwa) kasama ang kanyang mga magulang at si dating PNP OIC Vicente Danao

Ipinaliwanag ng kampo ni Sanvicente na hindi niya kagustuhan na araruhin si Floralde at kaya lamang ito tumakas ay dahil sa natatakot ito na siya ay kuyugin ng taumbayan.

Sa ngayon ay ang tanging parusa na natanggap ni Sanvincente sa kanyang ginawa ay ang habambuhay niyang suspensyon sa pagmamaneho na ipinataw sa kanya ng Land Transportation Office (LTO)

Matatandaan na naging matindi ang usapin sa nasabing kaso lalo na noong pumunta ito sa mismong headquarters ng PNP upang ibahagi ang kanilang panig.

“Hindi po kami makatulog. Hindi kami makakain. Siyempre anak namin ‘yung involved. Saka nag-viral na eh, ‘di ba? Masisira na ‘yung buhay ng anak ko. Mabait ‘yung anak ko. Nagta-trabaho siya. He’s a very responsible man. Ito, aksidente lamang talaga ‘to. Lumaki lang talaga nang lumaki,” ani ni Mrs. Sanvicente sa nasabing presscon.

Ngunit lalo lamang silang binatikos dahil sa tila VIP treatment na kanilang natanggap mula sa kapulisan.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular