Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesEdu Manzano may natutunan sa pagiging parte ng SAF44 movie: "It could...

Edu Manzano may natutunan sa pagiging parte ng SAF44 movie: “It could have been avoided, but it’s a story that has to be told”

Marami na ang tila excited sa pagpapalabas ng pelikulang ‘Mamasapano’ na tungkol sa nangyari sa 44 na miyembro ng PNP Special Action Force na nagsakripisyo ng kanilang buhay sa operasyon na ginawa nila noong Enero 25, 2015.

Isa sa mga bida sa nasabing pelikula ay si Edu Manzano na gaganap bilang si Retired Police General at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nag-imbestiga noon sa nasabing operasyon.

Ayon kay Manzano ay aminadong isa ang Mamasapano sa mga pinakamahirap na pelikula na kanyang gagampanan matapos niyang mabasa ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa nasabing insidente.

Natutunan niya na may pagkakataon na naiwasan sana ang malagim na nangyari sa magiting na 44.

“Ang dami ko nang nagawang live characters, some of the most interesting characters I could have portrayed. Pero ang trahedya na kasama dito sa Mamasapano is something I hope I will never have to go through again. Kasi, nabasa ko yung isang libro and I also went through the entire findings of the Board of Inquiry,” ani Manzano.

“It was a very, very sad story. It could have been avoided, but it’s a story that has to be told if only to seek justice for those who are no longer with us, but also to seek justice for those who are still living,” dagdag niya pa.

Ang Mamasapano ay binuo ng Borracho Films na pagmamay-ari ni Atty. Ferdinand Topacio na siya ring abogado ng pamilya ng SAF44.

Alay diumano ni Topacio ang pelikula sa SAF44 na nagbuwis ng buhay upang gampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular