Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesAllTV ni Manny Villar at CNN Philippines, magsasanib pwersa para maghatid ng...

AllTV ni Manny Villar at CNN Philippines, magsasanib pwersa para maghatid ng balita

Magsasanib ng pwersa ang All TV network na pagmamay-ari ni Manny Villar at ang CNN Philippines sa paghahatid ng balita.

Ayon sa ulat, ang CNN Philippines ang magiging news provider ng nasabing network na bubuksan na sa publiko sa darating na Septyembre 13.

Pangungunahan ng beteranong mamamahayag na si Pia Hontiveros ang nasabing news program ng All TV.

Mula sa pagiging english at magiging tagalog narin ang kanilang paghahatid ng balita.

“Through this partnership with AMBS, we have an opportunity to reach more people in many parts of the country and deliver news that’s accurate, fair, and balanced. We are proud that in the last seven years, our network has been able to uphold the high standards of journalism that the three red and white letters of CNN have been known for globally,” ani CNN Philippines President Benjamin V. Ramos.

Sinabi rin sa ulat na nagkaroon ng kasunduan ang dalawang kumpanya noong Septyembre 7.

Matatandaan na sinabi narin ito ni Willie Revillame sa kanyang video noong Septyembre 6 kung saan sinabi niya na may kasamang ‘english’ ang nasabing balita.

“Marami kayong matututan doon,” ani Revillame.

Mapapanood ang mga programa ng All TV sa channel 2, 16 at 35 sa Sky Cable at Cignal TV.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular