Friday, September 30, 2022
HomeSportsPBA player na si Calvin Abueva, kumasa sa hamon ng kapatid ni...

PBA player na si Calvin Abueva, kumasa sa hamon ng kapatid ni Rendon Labador

Kumasa ang Magnolia Hotshots player na si Calvin Abueva o kilala rin bilang ‘The Beast’ sa hamon ng kapatid ni Rendon Labador na si Jormiel.

Nitong Agosto 16 hinamon ni Jormiel na kung tawagin ang kanyang sarili ay ‘Haring Bangis’ si Abueva sa isang 1-on-1 basketball.

Handa rin diumanong pumusta si Jormiel ng P100,000 sa kanilang magiging laban ni Abueva.

“Calvin Abueva labanan mo ko, one-on-one lang… race to twelve, tatapusin ko agad ‘yan,” ani Labador.

Sa gitna ng pagiging trending ng kanyang kapatid ni Jormiel dahil sa hamon na natanggap nito mula sa retired PBA player na si Marc Pingris ay sumagot na rin si Abueva sa kanyang hamon.

“Masyadong mababa pusta mo, after nang conference lalabanan kita ahaha,” sabi ni Abueva sa kanyang Instagram story.

Mukhang hindi naman makapaghintay si Jormiel na matapos ang conference ng PBA at gustong gusto niya ng matalo sa one-on-one si Abueva na isa sa mga pinakamagagaling na player sa nasabing liga.

“Matagal pa yang conference eh, ang dami niyong request, bat kasi ganyan ang mga PBA player. Ako kasi pag may naghamon sakin palag agad eh,” aniya.

Binatikos din nito si Japeth Aguilar na handang ibigay ang kanyang bahay kay Rendon kung sakali na matalo nito si Pingris.

“Kung ipupusta mo ‘yung bahay niyo, ganon na ba kayo katakot na matalo si Pingris kasi bahay lang ang ipinusta mo.” sabi ng vlogger.

“Kapag naglaban yang dalawang yan [Rendon at Pingris], hindi lang bahay ipupusta ko, pati lupa at kotse ko boy,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular