Friday, September 30, 2022
HomeCelebrities'Mamasapano: The Movie' na tungkol sa SAF44 ipapalabas na ngayong taon

‘Mamasapano: The Movie’ na tungkol sa SAF44 ipapalabas na ngayong taon

Ibinahagi ng abogado at film producer na si Atty. Ferdinand Topacio na tuloy na tuloy na ang showing ng ‘Mamasapano’ na maaring mangyari sa Oktubre o Nobyembre bago ang 2022 Manila Film Festival (MMFF).

SIto ang ibinahagi ni Atty. Topacio sa panayam sa kanya ng press, kung saan ay ipinakita niya ang kanyang pagkagalak na matutuloy na ang pagpapalabas ng kanyang pelikula matapos ng ilang taon nitong pagkaantala.

Matatandaan na 2019 pa lamang ay ginagawa na nila ang nasabing pelikula kung saan makikita ang diumano’y pinagdaanan ng 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na nagbuwis ng kanilang buhay noong Enero 25, 2015 para magawa ang kanilang tungkulin.

Ilan sa mga magiging cast ng pelikula ay si Edu Manzano na gaganap bilang si Retired Police General at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nag-imbestiga sa nangyari sa SAF44.

Nitong Agosto ay napanood na ni Magalong ang pelikula sa isang early screening.

Maliban kay Manzano ay magiging parte din ng pelikula sina Rez Cortez, Juan Rodrigo, Gerald Santos, Paolo Gumabao, Aljur Abrenica, Rey “PJ” Abellana, Ritz Azul, Myrtle Sarrosa, at Claudine Barretto.

Ayon kay Topacio ay maraming matutuklasan na bagong impormasyon ang mga manonood ng nasabing pelikula tungkol sa nangyari sa Mamasapano.

“It is a redemption of my promise to the kin of the SAF44,” ani Topacio.

Maliban sa SAF44 ay binabalak din nilang gumawa ng pelikula na tungkol naman sa buhay ni Pastor Apollo Quiboloy.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular