Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesKat Alano may patama muli sa gitna ng kinakaharap na kasong panghhalay...

Kat Alano may patama muli sa gitna ng kinakaharap na kasong panghhalay ng isang celebrity

Mayroon muling patama ang dating VJ na si Kat Alano sa gitna ng kinakaharap na kaso ng isang celebrity.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Alano na kailangan ng mga netizens na mamili ng kanilang kakampihan dahil sa kahit ano pa ang mangyari ay ang panghahalay ay isang panghahalay.

Sinabi niya rin sa kanyang nakaraang mga tweet na maraming buhay ang sinira ng nasabing sikat na celebrity.

“I don’t think anyone truly realises how many lives got destroyed because of this man. It makes me sad that a lot of people would rather defend a serial offender than hear the cries of MULTIPLE victims.” ani Alano.

Matatandaan na tinago niya na lamang ang pangalan ng nasabing celebrity sa alyas na #RhymesWithWrong.

Sinabi niya rin na hindi niya na kinasuhan ang nasabing celebrity dahil sa malakas ang koneksyon nito.

Ilang netizens naman ang tingin ay si Vhong Navarro ang pinapatamaan ni Alano.

Noong 2020 ay nag-viral si Navarro dahil sa mga patama ni Alano laban sa nasabing celebrity.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Navarro tungkol sa nasabing isyu kung ano nga ba ang koneksyon niya kay Alano.

Samantala ay nitong nakaraang linggo ay sinabi ni Navarro na alam ng “Panginoon” na inosente siya.

“Ang tanging pagkakasala ko ay niloko ko ‘yung girlfriend ko at ito na ‘yung wife ko ngayon,” ani Navarro. “Nilahad ko ‘yung istorya ko at ‘yun ang katotohanan.”

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular