Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesJapeth Aguilar, ibibigay ang bahay niya kay Rendon Labador kung matalo nito...

Japeth Aguilar, ibibigay ang bahay niya kay Rendon Labador kung matalo nito sa basketball si Marc Pingris

Handa diumano ang Barangay Ginebra San Miguel player Japeth Aguilar na ipusta ang kanyang sariling bahay sa inaabangang 1-on-1 basketball sa pagitan ni retired PBA player, Gilas Legend Marc Pingris at Motivational Speaker, Vlogger na si Rendon Labador

Sa video ng PBA motoclub, sinabi ni Aguilar na ipupusta niya ang kanyang sariling tahanan na mananalo si Pingris sa laban nila ni Labador.

Tiwala naman si Aguilar at ang ibang mga nakasama nito sa PBA na malabong matalo ni Labador si Pingris na isa sa mga itinuturing na pinakamagaling na basketball player sa bansa.

Ngunit kumpiyansa parin si Labador na matatalo niya sa larong basketball si na tinaguriang ‘Pinoy Sakuragi’ at tinawag niya pa itong ‘duwag’ dahil sa hindi na siya nito pinansin.

Matatandaan na hindi pabor si Pingris na ipakita sa camera ang kanilang one-on-one basketball.

“Huwag kayo magalit. Ako ‘yung hinamon, pumalag lang ako kasi hindi naman ako duwag sa basketball. Nanahimik ako dito,” ani Labador.

“Dapat may camera para wasakan ng dangal, makita ng buong mundo sino pinakamalakas,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang eksaktong sagot si Pingris kung sasakyan niya ba ang pakulo ni Labador.

Umaasa naman ang mga nasa likod ng Battle of the Youtubers na makukumbinsi nila si Pingris na pumayag na sa kagustuhan ni Labador.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular