Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesIlang mga talents ng 'All TV' na pagmamay-ari ni Manny Villar, nakilala...

Ilang mga talents ng ‘All TV’ na pagmamay-ari ni Manny Villar, nakilala na

Ibinahagi ni Willie Revillame ang mga ilang mahahalagang impormasyon sa kanyang bagong istasyon na ‘All TV’ na pagmamay-ari ni dating senate president Manny Villar.

Nitong Septyembre 6, ibinahagi ni Revillame sa kanyang Facebook live kung saan saang mga channel mapapanood ang kanilang mga programa.

Nakatakda din ang ‘soft-opening’ ng nasabing istasyon sa Septyembre 13.

Ipinakilala narin ni Revillame ang ilan sa mga talent na matagumpay na nakuha ng All TV.

Ito ay sila:

  • Anthony “Ka Tunying” Taberna – Journalist
  • Toni Gonzaga – Actress
  • Paul Soriano – Director

Maliban pa sa mga artista ay magkakaroon din ng mga guest ang mga All TV network.

Hindi pa pinapangalanan ni Revillame kung sino ang mga nasabing guest artist sa network.

Sinabi rin ni Revillame na magkakaroon na rin sila ng News Program sa nasabing network na ang maging lengwahe ay ‘english’.

Inaasahan din na mamimigay sila ng limpak limpak na salapi sa mga manonood ng opening ng nasabing network.

Samantala ay umuugong naman ang balita na magiging parte din ng All TV sina Karla Estrada, Mariel Rodriguez, at Korina Sanchez ngunit hindi pa kumpirmado ito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular