Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesHeart Evangelista, hindi na diumano soot ang wedding ring nila ni Chiz...

Heart Evangelista, hindi na diumano soot ang wedding ring nila ni Chiz Escudero

Lalo pang uminit ang spekulasyon tungkol sa hiwalayan nila Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Ito’y matapos mapansin nila Ogie Diaz na manager ni Heart na tila hindi na soot ng aktres ang wedding ring nila ni Sen. Escudero.

“Tapos wala pang ano… tapos nawala ba ‘yung singsing niya?” tanong ni Ogie sa kanyang mga co-host.

“Parang ‘di na sinusuot ‘yung singing,” dagdag niya pa.

Maliban pa dito ay hindi rin isinama ni Heart si Escudero sa kanyang post tungkol sa kanyang mga ‘adventure’ sa buhay.

Ayon sa ilang netizen ay imposible namang hindi kasama ni Heart si Chiz sa kanyang mga importante na pinagdaanan sa buhay.

Napansin din nila na ang ginamit na kanta ni Heart sa nasabing video ay ang kantang “Older Than I Am” na Lennon Stella.

Ang kanta ay tungkol sa healing at surviving.

Matatandaan na noong Septyembre 2 ay inamin ni Heart na mayroon siyang mga kinakaharap na personal na problema.

Ilang mga artista naman ang nagpakita ng suporta kay Heart katulad nila Tim Yap at Rissa Manaquil-Trillo.

Ikinasal noong 2015 si Heart at Sen. Escudero na pinanood ng milyon milyong mga netizens.

Huling nakita na magkasama ang mag-asawa noong Hulyo 30 sa red carpet sa isang event ng GMA Network kung saan talent si Heart.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular