Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesEly Buendia, sinagot sa unang pagkakataon kung ano ba talaga ang ibig...

Ely Buendia, sinagot sa unang pagkakataon kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng awit nilang ‘Spoliarium’

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang dating frontman ng Eraserheads na si Ely Buendia tungkol sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng kanilang kontrobersyal na awitin na Spoliarium.

Matatandaan na hindi na namatay ang usapin at mga teorya kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng awitin na inilabas noong 1997.

Ayon kasi sa ilang netizens ay tila tungkol ang kanta sa kaso ng aktres na si Pepsi Paloma na diumano’y biktima ng mga makapangyarihang personalidad.

Sa kanyang Youtube vlog ay tinapos na ni Buendia ang mga haka-haka tungkol sa awitin na kanyang isinulat.

Nilinaw ni Buendia na walang ‘hidden message’ ang nasabing kanta at hindi niya rin alam kung bakit nadikit sa kaso ni Pepsi Paloma ang Spoliarium.

“Spoliarium’ is one of those cases where really the myth has sort of taken over the facts and I kinda like it. I kinda like the myth. Because the actual meaning of the song is also again, just really mundane… So, we were drinking that (Goldschläger) and that gintong alak.. that’s what it meant.” ani Buendia.

Larawan mula sa Youtube

Nilinaw din nito na ang ‘Enteng’ at ‘Joey’ na kanyang binabanggit sa nasabing kanta ay hindi sila Vic Sotto at Joey de Leon kundi ang kanilang mga road managers.

“They were roadies. Kaya first time ko nabasa ‘yun, that urban legend, sabi ko, ‘Wow, okay ‘to ah.’ There really is, sometimes, ‘yung mga coincidence like that, you have no power over that. It just happens,” paliwanag pa ni Buendia.

Wala naman diumanong problema si Ely kung ano ang pagkakaintindi ng publiko tungkol sa kanta niya.

“We were just drinking. It’s about the hangover. But you know, whatever people wanna think about that song, it’s fine. That’s the beauty of it. But that’s one of those songs that I’m really proud of. You know, I’m really proud of it if I sing it live all the time,” sabi pa ng OPM artist.

“Are you disappointed? Pero pustahan tayo kahit sinabi ko na ‘yan, the myth will still go on.”, dagdag niya pa.

 

 

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular