Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesBilyonaryong si Loida Nicolas Lewis pinangarap ang 18 years na 'Daang Matuwid'...

Bilyonaryong si Loida Nicolas Lewis pinangarap ang 18 years na ‘Daang Matuwid’ leadership

Usap-usapan muli sa social media ang Filipino-American businesswoman at Philanthropist na si Loida Nicolas-Lewis sa gitna ng usapin tungkol sa imbitasyon ng Harvard kay dating Vice President Leni Robredo para maging Hauser Leader.

Isa sa mga akusasyon ng mga kritiko ay ang koneksyon ni Nicolas-Lewis sa Harvard at sa oposisyon.

Matatandaan na unang naging usap-usapan sa social media si Lewis noong 2016 kung saan ay aktibo niyang kinampanya ang tambalan ni Mar Roxas at Leni Robredo.

Sa isang video ay makikita kung ano ang orihinal niyang plano na para sana hanggang sa 2028.

“The Filipino people will see, that Mar Roxas and Leni Robredo has the capacity, the ability and the integrity to lead our nation to become a head nation. All the rest either magnanakaw, mamatay tao, may cancer, Amerikana.” ani Lewis.

“We need a continuous good governance of atleast 18 years, six years with President Noynoy, six years with the second term of President Noynoy under Mar Roxas, and another six years for third term for Noynoy under ‘Daang Matuwid’ Leni Robredo,” aniya.

Nabanggit din ni dating Pangulong Duterte ang asawa ng pumanaw Black-American businessman na si Reginald Lewis.

“Meron next year, a certain financier, mayaman na babae who married a black and is now a millionaire and she is planning to do massive demonstration,” paglalahad noon ng dating pangulo.

Itinanggi naman ito ni Lewis at sinabi na hindi naman porket sila ay nambabatikos ay gusto na nilang mapatalsik ang dating pangulo.

“In a democracy, opinions of varying shades, either praise or criticism, are a staple ingredient of a vibrant democrac. Since when has criticism become an element of sedition,” tanong ni Lewis.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular