Friday, September 30, 2022
HomeUncategorizedAma ng internet celebrities na sina Rendon at Jormiel Labador, isa palang...

Ama ng internet celebrities na sina Rendon at Jormiel Labador, isa palang retiradong heneral ng PNP

Usap-usapan sa social media ngayon ang magkapatid na internet celebrities na sina Rendon at Jormiel Labador sa social media.

Ito’y matapos maghamon ang magkapatid ng mga kilalang basketball player para sa isang one-on-one basketball.

Habang ang ilan ay naiintindihan na para lamang sa kanilang content ang kanilang ipinapakitang personalidad ay may ilan na sineseryoso ang magkapatid at ang ilan ay nagbabanta pa sa buhay nila.

Ngunit may ilang netizens ang ipinaalala na dapat ay maging maingat parin ang mga kritiko ng magkapatid sa pagbibigay ng komento lalo na’t isang retiradong heneral pala ang ama nila.

Una itong naungkat ng ilabas ng magkaroon ng isyu si Jormiel dahil sa komento nito laban sa mga ‘bisaya’.

Isa sa mga nagbigay ng impormasyong ito ay si Jb Tan Vlogs na nagkomento noon sa mga kontrobersyal na pahayag ni Jormiel.

Napag-alaman na ang ama pala nila Rendon at Jormiel ay ang retiradong heneral ng Philippine National Police (PNP) na si Ret. Gen Lito Labador na isa sa mga pinakanirerespeto na pulis sa bansa.

Nakumpirma naman ito sa ilang social media post ni Rendon kung saan ay tinawag niya ang kanyang ama na isa sa mga nagturo sa kanya ng mga “magandang halimbawa”.

Hindi naman masyadong madami ang naisulat na impormasyon tungkol sa retiradong heneral na kabaliktaran naman sa kanyang mga anak na kilalang kilala sa social media.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang komento ang ilang netizens tungkol kay Ret. Gen. Labador.

“Kahit pang sabihin na bata pa yan mag isip ay dapat nagamit din sya ng isip lalo na’t General ang tatay nya at may credibility and reputation na dinadala.” sabi ni netizen Michael Philips.

“Lumalabas pa na nadidisiplina ang mga sundalo pero sariling anak ay d nadidisiplina. Sya dapat ang mag set ng example sa mga tao para mapangalagaan nya ang reputation na pinag hirapan ng tatay nya.” dagdag pa nito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular