Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesValentina ni Janella Salvador, may banat: "Wla pa ring plano ang mga...

Valentina ni Janella Salvador, may banat: “Wla pa ring plano ang mga nasa pwesto!”

Tila nakaka-relate ang mga manonood sa mga binibitawang linya ni Janella Salvador sa Kapamilya serye na Darna.

Pangunahing kontrabida sa nasabing palabas si Janella na gumaganap bilang si ‘Valentina’ na magiging mortal na kalaban ni Darna na pinagbibidahan naman ni Janella Salvador.

Sa Episode 5 ng nasabing programa ay nagbitaw ng linya si Janella laban sa karakter na si Mayor Zaldy Vallesteros na ginagampanan ng aktor na si Simon Ibarra.

“Marami sa atin ang natakot sa babaeng ahas
pero alam mo kung ano ang mas nakakatakot?
Wala pa rin plano ang mga nasa pwesto.” sabi ni Valentina na isa ring abogado at vlogger sa nasabing programa.

“Kaya mag resign ka na,” dagdag niya pa.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang komento sa linyahan ni Janella.

Ang ilan tuloy ay hindi maiwasan na humanga sa karakter ni Janella at ang tingin nila ay hindi ito kontrabida dahil sa paniniwala nito.

“They RLLY expect us to hate Valentina (aka Regina) when she’s the only one doing a timely and relevant commentary on a social issue prevalent right now,” sabi ni @joepete_steve.

Ngunit may ilan na tila sineryoso ang sinabi ni Janella at sinabi na mag-focus nalang ito sa pag-acting.

“Just do your work “acting“ youre not politician and thats not your job. You didnt study politics and ad if its too easy to clean a looong time mess !  sa acting k mag focus inday!” sabi ni Coach_AngelBeck.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular