Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesSen. Dela Rosa iimbestigahan ang mga 'text scam': "Walang pinipiling oras...

Sen. Dela Rosa iimbestigahan ang mga ‘text scam’: “Walang pinipiling oras o araw ang mga pasimuno ng kalokohang ito”

Hinimok ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang mga kasamahan sa senado na suportahan ang kanyang isusulong na imbestigasyon laban sa mga naglipanang text scam at spam.

Matatandaan na marami na ang nag-aalalang mga mobile users dahil sa patindi na ng patindi ang mga impormasyon na nalalaman ng mga text scammer sa kanila.

Nitong mga nakaraang linggo ay makikitang kahit ang pangalan ng may-ari ng mobile phone ay alam na ng mga nagpapadala ng scam text.

“Nakakalungkot, Mr. President, na kaakibat ng mas maunlad na teknolohiya ay ang pananamantala rito ng ilang masasamang loob. These deplorable criminals are taking advantage of the anonymous prepaid SIM cards to perpetrate evil crimes including taking the lives of innocent individuals.” ani Dela Rosa.

Dahil dito ay isa siya sa mga nagsusulong ng Sim Card Registration bill upang malaman agad ng mga otoridad kung sino ang mga may-ari ng mga numerong nagpapadala ng mga scam text.

“Walang pinipiling oras o araw ang mga pasimuno ng kalokohang ito. Hindi nila alintana ang pandemya at wala silang pakialam kung mayaman o naghihikahos ang kanilang mabibiktima. Wala silang pinipili; walang pakialam; at higit sa lahat ay wala silang takot. Kung kaya, hinihikayat ko ang ating mga kasamahan sa Senado na bigyang pansin muli ang walang habas at walang patumanggang pangbu-budol sa ating mga kababayan!” sabi pa niya.

Ibinahagi din ni Dela Rosa na 157 ng bansa ang mayroon ng ipinapatupad na sim card registration.

“Protektahan po natin ang ating mga kababayan sa loob at labas ng cyberworld.” sabi pa ng senador.

Matatandaan na isa ang kumpanya ni Bacolod Mayor Albee Benitez sa mga nagpapadala diumano ng text spam sa bansa.

READ MORE: Kumpanya ng alkalde ng Bacolod na si Albee Benitez, inirereklamo dahil sa ‘message spam’

Hindi pa malaman kung iimbitahan ba sa nasabing imbestigasyon ang mga nasa likod ng kumpanya na ito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular