Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesMotor na inangkasan ni Robredo noong kampanya, dinonate sa Angat Buhay Museum

Motor na inangkasan ni Robredo noong kampanya, dinonate sa Angat Buhay Museum

Magiging parte na ng kasaysayan ang motorsiklo na sinakyan ni dating VP Leni Robredo noong kampanya nito sa Cavite noong Marso 4.

Nitong Septyembre 5, ibinahagi ni Sherwin at Tintin Abdon na nagdesisyon silang i-donate ang motorsiklo nila na sinakyan ni Robredo noong kampanya sa Angat Buhay: Museo ng Pag-asa sa Quezon City.

Itinuring nilang karangalan ang ibigay ang kanilang motorsiklo sa nasabing museo na ginamit ni Robredo matapos siyang maipit sa traffic papunta sa kanilang rally sa General Trias City.

Personal na tinanggap ni Robredo ang nasabing motor at bilang pasasalamat ay si Sherwin naman ang inangkas ng dating bise.

“Salamat po atty leni robredo at ako nmn po ang inyong inangkas,” sabi ni Sherwin sa kanyang post.

Kanila ring ibinahagi na mula sa kanilang pagiging tagasuporta ng tambalang BBM-Sara ay certified Kakampink na sila dahil sa kanilang paghanga kay Robredo.

Ayon sa kanila ay ang naging pambabatikos sa kanila ng mga tagasuporta ng mga kalaban ni Robredo ang naging dahilan para sila ay maging ‘Kakampink’.

Matatandaan na isa sa mga pinag-usapan ang nasabing rally ni Robredo noong sa General Trias na tinapatan naman ng tambalang BBM-Sara na pumunta din sa parehong lugar upang ipakita ang kanilang pwersa.

Hati naman ang naging reaksyon ng mga tao sa nasabing eksena.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular