Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesLoren Legarda, nilinaw na hindi siya pro-NPA ngunit pabor sa peace talks:...

Loren Legarda, nilinaw na hindi siya pro-NPA ngunit pabor sa peace talks: “I have worked to support the AFP!”

Matapos ulanin ng batikos sa social media, nilinaw ni Sen. Loren Legarda na hindi niya kinakampihan ang New People’s Army (NPA).

Sa kanyang pahayag nitong Septyembre 5, sinabi ni Legarda na kinokondena niya ang kahit anong uri ng karahasan katulad at armadong pakikibaka katulad ng ginagawa ng NPA.

Ngunit ayon kay Legarda ay gusto niyang isulong muli ang peace talks sa pagitan ng teroristang grupo at ng gobyerno.

“I am in favor of peace talks that are built upon a genuine desire to come to an agreement, which are within our democratic framework and in accordance with all our laws.” ani Legarda.

“For over half a century, armed conflict has hindered our nation’s development. I know that we all share the same dream to build a more prosperous nation, to give a more comfortable life for all Filipinos. As an advocate for peace for many decades, I believe the best way to achieve this is by building mutual understanding through good faith discussions, through which we can find that we have more that unites us than what sets us apart.” dagdag niya pa.

Inihayag din ni Legarda ang kanyang suporta sa AFP.

Nakiusap naman ito sa taumbayan na suportahan ang pagsusulong peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng teroristang grupo.

“Amid the strong positions on this issue, Mr. President, I would like to call upon our countrymen to pursue our common goal of bringing true and lasting peace to our
country through exclusively non-violent means. Premised on a genuine commitment to cease hostilities, let us join together and give peace another chance.” aniya.

Matatandaan na tinapos ng nakaraang administrasyon ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF dahil sa diumano’y pag-atake ng armadong grupo sa mga sundalo sa gitna ng ceasefire.

Ibinahagi din ni dating Pangulong Duterte noon na ang gusto ng CPP-NDF-NPA  ay magkaroon ng coalition government kung saan ay maghahati sila sa pamumuno sa bansa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular