Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesIna na itinakwil ng anak na aktibista, may liham kay Loren Legarda:...

Ina na itinakwil ng anak na aktibista, may liham kay Loren Legarda: “Hubarin mo ang uniporme ng AFP!”

May open letter ang Hands Off Our Children Movement, Inc. leader na si Relissa Lucena para kay Sen. Loren Legarda na matatandaang binatikos dahil sa diumano’y pagsuporta sa makakaliwang grupo.

Sa kanyang post, hinimok ni Lucena si Legarda na mag-resign na bilang reservist ng Philippine Air Force dahil sa pagsuporta niya sa CPP-NPA-NDF.

“Hubarin mo madam Loren Legarda ang uniporme ng AFP, Hindi yan prestige na ipangangalndakan mo masabi lang na reservist ka. Binigyan mo ng kahihiyan ang sagradong kasuotan ng AFP, dugo pawis at buhay ang kanilang puhunan masuot lamang nila ito,” ani Lucena.

“Please igalang mo ang ating kasundaluhan at ang kanilang buhay. Huwag mong pag isahin ang CPPNPANDF at ang ating Armed Forces of the Philippines.” sabi niya pa.

Matatandaan na naging usap-usapan noon si Lucena matapos niyang humingi ng tulong sa gobyerno upang maibalik ang kanyang anak na naging miyembro ng Anakbayan.

Ngunit sa kasamaang palad ay mas pinili ng kanyang anak na si Alicia Jasper na ipagpatuloy ang kanyang pagiging aktibista at huwag umuwi sa kanila.

Samantala ay nilinaw naman ni Legarda na hindi niya sinusuportahan ang NPA at nananatili ang kanyang pagiging tapat sa bansa at sa AFP.

Pero mas nanaisin daw ni Legarda na magkaroon ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng makakaliwanag grupo.

READ MORE: Loren Legarda, nilinaw na hindi siya pro-NPA ngunit pabor sa peace talks: “I have worked to support the AFP!”

“I am in favor of peace talks that are built upon a genuine desire to come to an agreement, which are within our democratic framework and in accordance with all our laws.” ani Legarda.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular