Matapos ang ilang buwang pagdinig ay pinagmulta ng P20,000 ang tinaguriang ‘Poblacion Girl’ na si Gwyneth Chua.
Matatandaan na naging malaking isyu ang ginawang pagtakas ni Chua sa kanyang tinutuluyang hotel noon sa Makati City kahit na siya ay naka-isolate doon dahil positibo siya sa nakakahawang sakit.
Ang dahilan ng kanyang pag-alis ay para lamang makasama sa party ang kanyang mga kaibigan.
Kahit na malaking isyu ang kanyang kinaharap ay multa lamang ang kinaharap nito para sa paglabag sa Republic Act 11332 o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act”.
Ayon sa Assistant City Prosecutor na si Rafael Rodrigo Esguerra ay nag ‘plead guilty’ si Chua at humingi rin ng paumanhin sa kanyang nagawa.
“In fact, she apologized for the hassle she caused,” sabi ng prosecutor.
Samantala ay hindi naman ng plead guilty ang security guard na tumulong kay Chua na tumakas sa hotel.
“That kind of accusation necessarily assumes that he has the obligation to detain. I don’t see where the obligation is and I don’t think that he has the power to detain or even to restrain,” ayon sa abogado ng guwardiya na si Jose Bernas.
Naniniwala rin ito na hindi porket nag plead guilty na si Chua ay inamin niya na ang kanyang kasalanan.
“It’s irrelevant. Someone might plead guilty simply for expediency…A guilty plea does not necessarily mean an admission of guilt. It’s just an acceptance of the penalty,” aniya.
Hindi naman nagbigay ng pahayag si Chua matapos ang naging desisyon ng korte sa kanya.