Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesAtty. Vince Tañada tinawag na mahina ang ulo ang mga tumatawag na...

Atty. Vince Tañada tinawag na mahina ang ulo ang mga tumatawag na ‘dilawan’ sa Harvard, FAMAS at Nobel Peace Prize

Palaban ang naging mensahe ni ‘Katips’ Director Atty. Vince Tañada sa mga netizens na inaakusahan na ‘dilawan’ ang Harvard University, FAMAS awards at Nobel Peace Prize.

Matatandaan na ilang mga netizens ang binatikos ang Nobel Peace Prize dahil sa pagbibigay nito ng award sa Rapper CEO na si Maria Ressa, pagiging best actor ni Tañada sa FAMAS at paggawad ng honorary degree na Doctor of Philosophy in Economics kay Leni Robredo.

Naniniwala si Tañada na mahihina ang ulo ng mga nag-aakusa sa mga nasabing organisasyon na may pinapanigan ito sa politika kaya nila napiling parangalan ang mga nasabing indibidwal.

“Kung iniisip mo na dilawan ang Nobel Peace Prize, Harvard University at Famas Awards…ang t*nga mo! Mas may value pa itong ulam ko now kesa sa utak mo,” sabi ni Tañada.

Maliban sa kanyang mensahe ay ibinahagi din ni Tañada ang larawan ng kanyang ulam na pares.

Pinuna din nito ang ilang netizens na diumano’y binabayaran para mambatikos.

“Bakit ba kasi galit na galit yung mga “ano” sa tagumpay ng iba? Inggit na inggit ba? Well, sorry po kung nagsa-succeed. Baka po mahal kami ni Lord. Tapos ikaw nandyan pa rin sa P200 per post at P50 per comment. Kawawa ka naman.” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular