Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesAbogado pumalag sa pahayag ni Robredo tungkol sa honorary degree niya: "It...

Abogado pumalag sa pahayag ni Robredo tungkol sa honorary degree niya: “It clearly does not mean the honoree is excellent in academics!”

Pumalag ang isang abogado sa pahayag ni dating Vice President Leni Robredo kung saan ay ginamit nito ang kanyang natanggap na honorary degree sa Ateneo de Manila University upang patunayan na siya ay hindi naman ‘lutang’ o mahina ang ulo.

Matatandaan na nitong Septyembre 3, sinabi ni Robredo sa isang event sa Pampanga na maaring ang natanggap niyang degree sa Ateneo at imbitasyon mula sa Harvard University ang kasagutan sa mga akusasyon na siya ay hindi matalino.

“Tingin ninyo ang Ateneo magbibigay sa isang lutang at b*bo? ‘Di naman siguro… Tapos ngayon, hindi lang Ateneo kundi Harvard,”  ani Robredo.

Kinontra naman ni Atty. Ahmed Paglinawan ang sinabi ni Robredo dahil naniniwala siya na hindi naman basehan ng talino ang honorary degree.

Ayon kay Paglinawan ay ibinibigay ang honorary degree para bigyan lamang ng kilalanin ang isang indibidwal at hindi dahil sa matalino ito.

Hindi rin naman daw sinasabi ng mga nakakatanggap ng honoris causa na matalino sila kaya nila natanggap ang degree na ipinagkaloob sa kanila.

“Does she realize that by saying this, she just affirmed what people really think of her?” sabi ng abogado.

“Honoris Causa is latin for “just for the sake of the honor”. It clearly does not explicitly or implicitly mean the honoree is excellent in academics. I’ve seen people who’ve never spent a day in school being granted honorary degrees. They were honored not for their “intelligence” but for some other thing they’ve done that the honoring community decided was valuable to it.

“And in their ensuing speeches, they never once intimated that they thought they were smart because of the said honor.

Umabot sa mahigit 17,000 reactions ang nasabing post ni Paglinawan na kahati ni press secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles sa nasabing page.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular