Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesVP Sara Duterte, pamumunuan ang Office of the President habang nasa ibang...

VP Sara Duterte, pamumunuan ang Office of the President habang nasa ibang bansa si PBBM

Itinalaga bilang officer-in-charge mula Septyembre 4 hanggang 7 ni Pangulong Bongbong Marcos si Vice President Sara Duterte.

Sa Special Order No. 75 na inilabas ngayong araw ng Malacañang ay ipinagkatiwala ni Marcos ang Office of the President ka Duterte habang ito ay nasa labas ng bansa.

“The Vice President of the Republic of the Philippines shall act as Officer-in-Charge to take care of the day to-day operations in the Office of the President and oversee the general administration of the Executive Department, and shall, if necessary, act for and on behalf of the President, except on matters that the President is required by the Constitution to act in person, during the time that the President is outside the Republic of the Philippines from 04 – 07 September
2022.” ayon sa utos ng Pangulo.

“All acts of the Vice President for and on behalf of the President pursuant to this Order shall be deemed acts of the President, unless disapproved or reprobated by the President.” dagdag pa nila.

Nakatakdang pumunta ngayong araw si Marcos sa Indonesia at sa Septyembre 6 ay bibista naman ito sa Singapore.

Inaasahan na makikipagkita si Marcos sa mga pinuno ng nasabing bansa.

Inaabangan naman kung ano ang magiging resulta ng kanyang unang overseas visit kasama na dito ang isyu ni Mary Jane Veloso na nakapiit sa Indonesia noon pang 2010.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular