Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesSass Rogando Sasot, nawalan ng simpatya kay Jorryme Vodisek: "Naging boba ka...

Sass Rogando Sasot, nawalan ng simpatya kay Jorryme Vodisek: “Naging boba ka lang talaga”

Isa ang international relations expert at internet celebrity na si Sass Rogando Sasot sa mga sumubaybay sa istorya ni Jorryme Vodisek.

Sa kanyang mga nakaraang post ay nagpakita pa ito ng simpatya kay Jovelyn at inalok ito ng tulong upang imbestigahan ang asawa nitong Slovenian na si Ales Vodisek.

Umabot pa sa punto na naghimok si Sasot ng mga mambabatas upang isulong ang isang panukala na magbibigay proteksyon sa mga Pilipina mula sa pangagamit ng mga AFAM o ‘yung mga banyaga na pumupunta sa bansa upang mag-asawa.

READ MORE: International relations expert, inalok ng tulong si Jorryme Vodisek: “Pa background check natin sa Europa!”

Ngunit nitong Septyembre 4 ay tila nawalan na ng simpatya si Sasot kay Jorryme matapos niyang marinig ang buong istorya nito sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Matatandaan kasi na sa loob lamang ng isang linggo matapos silang magpakilala ay nag-propose na kagad si Ales at pumayag naman si Jorryme.

Naniniwala rin si Sasot na posibleng hindi lamang ‘best friend’ ang relasyon ni Ales at ng best friend nito na si Shaira Mae Boyonas na lubos na pinagseselosan ni Jorryme.

“Wala pa akong name-meet na colleagues o kahit sino na Europeans noong nakatira pa ako sa Europa na ang 39yo na lalake ay may girl best friend na 23yo. That’s creepy. Hindi yan common sa Europa…in my 11 years, not a single guy I know has a 23 yo girl best friend.” ani Sasot.

“I will give you a real talk what this guy is. He is fulfilling his fantasy in the Philippines: a 25 yo wife, a 23 yo girl by his side. Something that he can never ever do in Europe.” dagdag pa niya.

Tinawag din na ‘boba’ ni Sasot si Jorryme dahil sa bilis ng pagpayag nito na magpakasal sa foreigner.

“July 4 – nagkakilala sa Tinder July 9 – nagpropose yung afam. Lalim ng foundation. Hwag ka nang umiyak Jorryme, naging boba ka lang talaga. Lahat tayo naging ganyan kaboba. Mas OA nga lang kabobahan mo…” sabi pa ng international relations expert.
Hindi naman malaman kung magkakaroon pa ng part 2 ang istorya ni Jorryme sa KMJS.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular