Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaPsychologist na tumingin kay Jorryme Vodisek, sinabing mayroon itong 'emotional disturbance'

Psychologist na tumingin kay Jorryme Vodisek, sinabing mayroon itong ’emotional disturbance’

Naniniwala ang psychologist na si Prof. Jerome Magallen, PHD na matindi ang kinakaharap ng mental health ngayon ng viral bride na si Jorryme Vodisek.

Matatandaan na itinampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang istorya ng ‘failed marriage’ ni Jorryme sa Slovenian National na si Ales Vodisek na nakilala niya sa isang dating site.

Ayon kay Magallen ay dumadaan ngayon sa isang ’emotional disturbance’ si Jorryme at malaking factor nito ay ang pagseselos niya sa best friend ni Ales na si Shaira Mae Boyonas.

“Isang buwan pa lang sila na magkakilala tapos napagdesisyonan na nilang magpakasal agad, ito ay malaki talagang factor,” ani Magallen.

“Along the way, hindi sila magkakaintindihan,” dagdag niya pa.

Matatandaan na sinabi narin noon ni Ales sa isang video na posibleng may sakit sa pag-iisip si Jorryme at hinimok nito ang kanyang asawa na magpakonsulta sa propesyonal.

Ngunit sa paliwanag ni Jorryme ay sinabi niya na sobrang lakas lamang talaga ng kanyang pagseselos dahil sa dikit parin ng dikit si Shaira Mae kay Ales kahit na kasal na sila.

Sinabi pa nito na kapag nasa trabaho siya ay si Ales at Shaira Mae ang magkasama sa kanilang apartment.

Kaya naman umabot na sa sukdulan ang kanyang kondisyon at isinugod ito sa ospital.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Ales tungkol sa isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular