Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesPambansang Kolokoy, binatikos dahil ginagawa paring content si Marites kahit hiwalay na...

Pambansang Kolokoy, binatikos dahil ginagawa paring content si Marites kahit hiwalay na sila

Tumaas ang kilay ng ilang netizens sa bagong upload na video ni Joel Mondina kung saan ay makikita ang mga moments nila ng kanyang dating asawa na si Marites Mondina.

Matatandaan na inanunsyo ni Joel noong nakaraang araw ang paghihiwalay nila ni Marites matapos ang kanilang 20 na taon na pagsasama.

Inamin din ng content creator na mayroon na siyang ibang kinakasama.

“Sa lahat po ng mga nagke-question [ng] nasaan na si Marites? How come wala na si Marites sa mga videos mo? Hiwalay na ba kayo ni Marites? Ok, para po magkaroon na kayo ng peace of mind, and hopefully matapos na yong mga iniisip isip niyo, what’s going on in your mind, in your brain… Yes, mga kaibigan, Marites and I, we are no longer together,” ani Joel.

“Wala na po kami ni Marites. And, ayaw ko pa sana magsalita kasi meron pa kaming process na ginagawa ngayon. Am I with someone else? Yes, I’m with someone else now and we’re happy.” dagdag niya pa.

Kaya naman ilang netizens ang kinuwestiyon si Jeoel kung bakit hanggang ngayon ay ginagamit niya parin si Marites sa kanyang mga video.

“Minsan for the content nlang din tlga, sinong tao ang maggagawa pa ng video n naghiwalay n nga kayo. Akala ko ba may bago na siya? eh ano nalang mararamdaman ng bago,” reaksyon ni netizen Sha Maranan sa video.

“TAMA NA HOY! KONG PINAGLALARUAN NYO LANG ANG MGA TAO TAMA NA HOY BAGO MATULAYAN YANG DRAMA NYO. EH KONG TOTOO NGA NA HIWALAY NA THAN TAMA NA HOY! WAG MO GAMITIN ASAWA MO. TAPOS SASABIHIN MONG MAY IBA KA NA?!” banat naman ni netizen Jenny Reyes.

“Tibay mo boss gusto mo pang kumita bago mag paalam,” wika naman ni John Andres.

Sa ngayon ay hindi pa pinapakilala ni Joel kung sino ang kanyang bagong kinakasama.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular