Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesNetizens napansin ang patama ng Kapamilya Show na 'A Family Affair': "Unity...

Netizens napansin ang patama ng Kapamilya Show na ‘A Family Affair’: “Unity sa pagnanakaw!”

Usap-usapan ngayon sa social media ang naging trailer ng Kapamilya series na ‘A Family Affair’ na ngayon ay ipinapalabas sa TV5.

Ang nasabing teleserye ay pinagbibidahan nila Ivana Alawi, Gerald Anderson, Sam Milby, Jason Blake at Jake Ejercito.

Sa nasabing trailer ay makikita ang mga linyahan na ‘the family lies together, stays together’ at ‘dapat sa atin nagkakaisa, unity sa pagsisinungaling’.

Napansin naman ng mga netizens na tila may pinapatamaan ang nasabing mga linya sa trailer kaya naman nagbabala ang ilan sa kanila.

“Unity sa PAGSISINUNGALING! Ingat lang po, may natatamaan sa labas…” sabi ni Christopher Angelitud.

“The family that lies together stays together. Unity sa pagsisinungaling. Shade!” sabi pa ng isang netizen.

“Tama ba yung dinig ko sa isang linya sa trailer ng A Family Affair teleserye na: ‘…unity sa pagsisinungaling’? Bato, bato sa langit ang tamaan wag magalit!” wika pa ng isang follower ng programa.

Wala namang binanggit ang mga netizens kung sino ang tingin nila na pinapatamaan ng nasabing programa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular