Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsLeni Robredo nakiusap na payagan siyang pumunta sa Harvard: "May sweldo ako...

Leni Robredo nakiusap na payagan siyang pumunta sa Harvard: “May sweldo ako doon, sa Angat Buhay wala”

Kinumpirma ni dating Vice President Leni Robredo na mayroon siyang matatanggap na sweldo bilang Hauser Leader ng Harvard Kennedy School.

Sa kanyang talumpati sa Pampanga, nagpaalam si Robredo sa kanyang mga tagasuporta at hiniling sa kanila na sana’y payagan siyang makapunta sa Amerika upang maging Hauser Leader.

Ayon kasi sa kanya ay mayroon din siyang matatanggap na sweldo doon na hindi niya naman sinabi kung magkano.

Inamin naman nito na wala siyang natatanggap na pera bilang chairperson ng Angat Buhay NGO.

“Payagan niyo na ‘kong pumunta sa Harvard kasi may sweldo ako doon. Sa Angat buhay wala. Kailangang mabuhay,” ” ani Robredo.

Nangako naman si Robredo na kahit nasa Amerika siya upang gampanan ang kanyang tungkulin sa Harvard ay hindi niya parin papabayaan ang Angat Buhay NGO.

“I will be on top of it. Hindi siguro ako makakatulog nang hindi ko mina-manage ang Angat Buhay sa araw-araw.. ‘Yung mga plano natin tuloy-tuloy,” aniya.

Bilang Hauser Leader ay makakasalamuha ni Robredo ang mga estudyante, faculty at alumni sa Harvard.

“By teaching skill-building and leadership development workshops, engaging key external stakeholders, and advising students and alumni, Hauser Leaders enact the Center for Public Leadership’s mission to develop principled, effective public leaders who make positive change in the world,” ayon sa website ng Harvard.

“Hauser Leaders also inform Harvard curriculum by speaking in the classroom, engaging in research and case development, and sharing expertise with lead faculty,” dagdag pa nila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular