Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesJorryme Vodisek, nagsalita na sa Jessica Soho: "Why did you do this...

Jorryme Vodisek, nagsalita na sa Jessica Soho: “Why did you do this to me?”

Nagsalita na sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang viral bride na si Jorryme Vodisek matapos mag-viral ang istorya niya sa social media.

Matatandaan na si Jorryme ay ikinasal sa Slovenian National na si Ales Vodisek ilang buwan lamang matapos silang magkakilala.

Ngunit naging problema ni Jorryme ang laging pagdikit ng ‘best woman’ at ‘best friend’ ni Ales na si Shaira Mae Boyonas na hindi na pinangalanan pa ng KMJS sa nasabing episode.

Ayon sa kanya ay lumakas ng lumakas ang kanyang kutob dahil sa lagi na lamang nakadikit si Shaira Mae kay Ales.

Kahit na nasa trabaho diumano si Jorryme ay malalaman niya na lamang na nasa bahay nila si Shaira Mae kasama si Ales.

“Mapapel talaga siya,” sabi ni Jorryme.

Nakapanayam din ng KMJS ang ilan sa mga nakasaksi sa kasal nila Jorryme at Ales at sinabi nila na parang ang ikinasal ay ang Slovenian National at si Shaira Mae.

Nagkakasama parin diumano sila Ales at Shaira Mae kahit na kasal na sila ni Jorryme.

Ngunit kapag kinokompronta diumano ni Jorryme si Ales ay sinasabi na lamang ng foreigner na nababaliw na ang kanyang asawa kaya ito nagseselos.

“Sinisigaw niya sakin, ‘get out of here, bring all your ¬†are not my honey anymore’, napakasakit marinig ‘yun sa asawa mo,” sabi ni Jorryme.

Lubos na nakaapekto sa kanyang kalusugan ang paghihiwalay nila ni Ales at umabot na sa punto na na-ospital na ito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular